PAGISLAM-ANG PAGBIBINYAG NG MGA MUSLIM

LESSON NO. 2- PAGISLAM-ANG PAGBIBINYAG NG MGA MUSLIM (PLS. READ: IV-ARROYO & GARCIA) by Marcelino Miko Salen Cosico on Friday, June 25, 2010 at 5:03pm “PAGISLAM: Ang pagbibinyag ng mga Muslim” (Sanaysay/Muslim) Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa ipang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah. Ang panglawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya. Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s